Masarap mag aral lalo na kung malaki ang allowance kaya mas gusto ko pa ang maging estudyante habang buhay pero hindi naman pwede yun kasi kelangan mo pumunta sa panibagong baitang ng buhay mo.Sa paglipas ng panahon kelangan mo ng mag hanap ng trabaho para may sarili ka ng pang gastos sa mga gusto mong gawin gaya ng pag-inom,pag gimik gimik,kumain ng gusto mo pagkain sa paborito mong restawran o food chain, at higit sa lahat ay pang deyt(kung ikaw ay lalake).Ngayong may trabaho ka na at tiyak na malaki ang posibilidad na sa opisina ang bagsak mo,empre naka graduate ka na eh,panibagong tao ang makakasalamuha mo,panibagong paligid at panibagong PAG-IBIG(kung ikaw ay nabigo sa iyong kasintahan nung nasa kolehiyo ka pa lang).Marami ka ng mga kakilala sa opisina nyo ang iba ay maganda ang ugali at ang iba naman syempre hindi mo gustong samahan at pakisamahan,hindi maiiwasan ang pag hingi ng pabor sa iyo at hindi naman pwedeng hindi mo pagbigyan kasi nga nahihiya ka pero ang hirap naman sa iba na akala nila laging pwede yun pabor na hinihingi nila nag kapag hindi mo pinag bigyan sila pa ang galit sa iyo,at ang iba naman ay hindi marunong magpasalamat man lang bilang pa kunswelo.Hay buhay nga naman mahirap talagang makisama sa ibang tao.Ang sa akin lang naman sana naman ay maintindihan din nila na hindi sa lahat ng bagay ay mapag bibigyan ang gusto nila at hindi sa lahat ng oras ay maayos ang pakiramdam mo,buti na lang at iilan lang naman ang mga taong may ganoong ugali sa aming opis,kaya yun mga tao na yun ay d ko na pinag papansin at paki alam ko kung ano man ang gawin nila.Sana magustuhan nyo unang post ko dito hehehe…..
KA KOMENT taryo