Kagabi pumunta kami sa galleria para mag palamig lang kasi hinatid din namin ang daddy at mommy namin sa may ortigas para umattend ng meeting sa isang christian community tapos dumeretso na kami sa galle kasama syempre wife ko so hanggang 9pm ang mallĀ kasi 10pm pa ang tapos ngmeeting nila.Nagpaabot na kami dun ng hanggang 9 para d na kami masyado mag intay ng matagal.Syempre ang labas namin is papuntang edsa galing parking area tapos kakaliwa kami.Nataon naman na may hinuli na bus sa harap namin so gipit na ako sa inip ko dun ako sa kaliwa pang side kung saan BAWAL naman talaga dumaan dun,ayun nahuli ako ng MMDA,syemprehuminto ako ALAM kong MALI ginawa ko SINUBUKAN ko lang kung gaano talaga sila MAAYOS gampanan ang trabaho nila,Hiningi yun id ko binigay ko naman at ikanatuwa ko paang paghuli sa akin kasi talagang NAGAMPANAN nila yun tungkulin nila na HINDI NANGHIHINGI ng lagay o kung ano pang pabor.Ang mali lang sa kanila eh pag nanghuhuli hindi nila maipatabi ng maayos yun sasakyan unless na ikaw na mismo ang magtatabi.Kaya saludo namanako sa nanghuli sa akin at hindi ko na gagawin ulit ang magpahuli UNA at HULI na yun sinubukan ko lang naman magkaroon ng ticket nila eh hehe.Oo may record na ako nun sa LTO pero ok lang at least na try ko naman na mahuli ng TAMA at MAY DAHILAN ang PAGHULI, sa iyo REALCO<<<pang gabi yan na naka assign sa ilalim ng ORTIGAS.Saludo ako sa mga kagaya NYO.
ANG TICKET ng MMDA
25 09 2008Comments : 2 Comments »
Categories : Uncategorized
BUSINERO ka ba????
18 09 2008Sa kalsada d mo maiiwasan na may mga pangyayari na kelangan mong gumamit ng busina gaya ng mabagal tumawid ang mga tao o kaya naman eh medyo may nakaharang na kung ano sa dadaanan mo.Pero kelangan mo pa bang BUMUSINA kahit nakikita mo na yun nasa unahan mong sasakyan eh d din makagalaw dahil sa ang nasa unahan nya ay ganun din at d din makagalaw.Sana naman konting pang unawa lang kasi nakikita mo naman na hindi talaga makagalaw yun sa unahan mo eh,minsan naman alam mo na kaka GREEN light lang bumubisina na.Sayang naman yun binigay na kaalaman sa iyo kung d mo gagamitin ng maayos.
Comments : Leave a Comment »
Categories : Uncategorized
Mga TAXI dryber na namimili
16 09 2008Sa araw araw na pag byahe ko d ko maiwasan mapatingin sa mga taxi lalo na pag ka kumukuha ng pasahero tapos d man lang inaayos ang pagparada ng makadaan naman ang mga ibang motorista.Ang nakakayamot pa dito pag ka nakabalagbag sila tapos ang tagal ng usapan tapos hindi din naman pala pasasakayin.Lintik mag init ulo ko sa mga yan kala mo lagi sila IN DEMAND sa kalsada mga pa importante tapos pag dead hours naman sila nag mamakaawa na hintuan ka.
Comments : Leave a Comment »
Categories : Uncategorized

KA KOMENT taryo